pwedeng magpost ng tagalog?
ok. sige .. magpopost talaga ako ng tagalog kasi feeling ko di ko maeexpress ang gusto kong sabihin pag di tagalog.
Ok.. 4 months to go.. (diba tagalog nga? ok taglish na nga lang) Ang bilis ng panahon.. haha. at di pa rin namin nasasabi sa family namin ang plans namin na magpa-kasal. (ok malamang meron din makakabasa nitong post kong ito na family namin,. if meron po.. please wag mo sasabihin.. kasi… please continue reading to know why)
OO tama di pa talaga namin nasasabi.. kasi:
1. Gusto ni G na magpropose muna siya with the usual diamond engagement ring.. kahit sabi ko na hindi naman importante yun..
2. Gusto namin may cash on hand muna kami. Para atleast makakagalaw kami ng hindi umaasa sa family.
3. Naghahanap muna kami ng timing.. haha :) ganyan talaga. haha.
Pero seriously„ stress na stress talaga ako. Kaya ko naisipan na i-blog yung wedding preps namin kasi na-iistress talaga ako.. Simple lang naman ang kasal namin, very intimate kasi konti lang mga bisita, and mas kokonti mga expected guest namin kasi weekday ang date ng wedding namin.
Kanina nga nag-away pa kami ni G .. sobrang wala siyang pasensya ngayon. naiinis ako sa kanya kasi feeling niya siya lang ang tao sa mundo. Para bang sinasarili nalang niya lahat ng problema. Kainis kaya yun. Ano ba ang role ko sa buhay niya diba? Kaya nga ako nandito para suportahan siya..
Masyadong rush kasi ang wedding namin. wala lang.. haha., kasi bakit patatagalin pa kung dun din naman ang kahihinatnan.. Sa totoo niyan, di pa nga kami financially ready, nasa process pa kami ng pagiipon.. well di naman ganun kalakihan ang gagastusin namin kasi di naman sosyal and engrande ang kasal namin.. actually may budget plan kami na hindi naman mukhang plan.. haha.
Sa akin yung mga anik-anik, mga pang-decor , and yung mga miscellaneous expenses and sa kanya naman yung venue and wedding rings..
Medyo magulo pa talaga ang plano namin.. kas magulo din kami. Kaya nga pag-tinatanong ng mga friends namin when ba.. ang sinasabi namin ay
“Itetext namin kayo the day ng wedding na nagsasabing : Dali biihis kayo, kasal namin ngayon”
Yes we are definitely weird and that made us stronger for this past 7 years :)
No comments:
Post a Comment